Mananatiling sarado ng ilang araw ang central office ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa East Avenue, Quezon City makaraang magpositibo sa COVID-19 ang 14 na empleyado nito.
Ang pagtigil ng operasyon ay sinimulan kahapon upang bigyan daan ang pagsasagawa ng malawakang disinfection sa tanggapan ng LTFRB.
Batay sa kanilang inilabas na abiso, 5 days na walang magiging pisikal na transaksyon sa publiko at suspendido rin ang trabaho ng kanilang mga frontliner.
Gayunman, kanilang nilinaw na tanging ang tanggapan ng LTFRB sa East Avenue, Quezon City lamang ang sarado.
Subalit patuloy naman ang operasyon at pagbibigay serbisyo ng LTFRB National Capital Region (NCR) office sa pamamagitan ng Public Transport Online Processing System (PTOPS).
24/7 na bukas din ang public assistance desk hotline 1342 ng LTFRB na tatanggap ng mga tawag mula sa publiko.