LTFRB, nakaantabay na sa PITX para maglabas ng karagdagang special permit; bilang ng mga pasaherong naitatala ngayong Miyerkules Santo, dumodoble kada oras

Handang tumugon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sakaling hilingin ng PITX na magdagdag ng special permit kung kukulangin ang biyahe ng provincial buses.

Ito’y kasunod na rin ng nangyaring ubusan ng ticket kagabi na mga biyaheng Bicol dahil sa dami ng mga nag-advance booking.

Ayon kay PITX Corporate Affairs Officer Kolyn Calbasa, mayroong personnel ang LTFRB na nakaabang dahil halos doble na at mas mataas na kada oras ang dumaragsa na mga pasahero sa nasabing terminal.


Kasunod nito, tiniyak naman ng Southern Police District (SPD) na nakabantay na sila sa loob at labas ng nasa 28 na terminal, travel hubs at mga convergence area.

Facebook Comments