LTFRB, nakahanda na sa September 18 sa harap ng nakatakdang transport strike ng ilang transport groups

Nakahanda na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa nakatakdang transport strike sa September 18.

Tiniyak ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III na may nakalatag na contingency measures upang may masasakyan ang maaapektuhang commuters.

Nakikipag-ugnayan na ang LTFRB sa Department of Transportation (DOTr), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at sa Local Government Units (LGUs) upang makapag-deploy ng government vehicles, military trucks, buses, at modernized public utility vehicles upang magbigay ng libreng sakay.

Nanawagan si Guadiz sa commuters na manatiling kalmado at mag antabay sa mga advisory para sa alternative routes at additional transport units.

Nanatiling bukas ang LTFRB sa dialogue sa transport groups upang maipaliwanag ang mga reporma sa ikabubuti ng transport sector.

Facebook Comments