Higit 50 ruta ang inaasahang bubuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa susunod na linggo sa Metro Manila.
Sa interview ng RMN Manila, kinumpirma ni LTFRB Chairman Cheloy Garafil na maglalabas sila anumang araw ngayong linggo ng memorandum circular para sa pagbubukas ng mga ruta.
Ito aniya ay bahagi ng Phase 2 ng re-opening ng mga lumang ruta sa Metro Manila.
Kasabay nito, sinabi ni Garafil na hindi na kailangan na kumuha pa ng special permit ang mga jeepney na valid pa ang kanilang Certificates of Public Convenience (CPC).
Ang tanging kinakailangan lang aniya na kumuha ng special permit ay ang mga bus na nasa modified routes.
Noong August 22, una nang nagbukas ng 100-modified routes ang LTFRB sa Metro Manila bilang paghahanda sa face to face classes.