Nakikipag-ugnayan na ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa Department of Energy (DOE) kaugnay sa pagtaas ng presyo ng petrolyo at epekto nito sa pamasahe.
Kasunod na rin ito ng pormal nang paghahain ng petisyon para sa hirit na taas-pasahe sa jeep ng limang transport group sa tanggapan ng LTFRB.
Batay sa datos ng DOE, hanggang 40% na ang nadagdag sa presyo ng produktong petrolyo simula Enero.
Ipinauubaya naman ng Department of Transportation (DOTr) sa LTFRB ang pagtataas sa pamasahe pero ayon kay Transportation Asec. Steve Pastor, kailangan pang ikonsidera ang magiging epekto nito sa publiko at sa mga operator.
Matatandaang sa ilalim ng petisyon nakasaad ang P3.00 dagdag-singil sa pamasahe.
Humihirit din sila ng P2.00 provisional increase habang hinihintay ang desisyon ng LTFRB sa kanilang fare hike petisyon.