LTFRB, nakipag-dayalogo sa mga Bus Operators para sa maayos na pag-hahatid ng mga makikibahagi sa SEA Games

Nakipag pulong ang Land Franchising Transportation and Regulatory Board sa mga operators ng city buses para plantsahin ang latag ng transport service sa panahon ng pagdaraos ng Southeast Asian Games.

Kabilang sa mga nakipag usap ay sina Department of Transportation Asec. Alberto Suansing, Board Member Ronaldo Corpus, Information Systems Management Division Chief Nida Pascua, at Technical Director Joel Bolano.

Inisyal na napag-usapan ang pagkuha sa serbisyo ng dagdag na bus na kakailanganin sa paghahatid ng mga magtutungo sa Philippine Arena sa pagbubukas ng SEA Games sa ika tatlumpu ng Nobyembre.


Kabilang sa itinalagang pick-up points ay ang Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at sa Trinoma in Quezon City.

Nagbukas din ang ahensya ng application para sa special permits sa mga regular buses na interesado na bumiyahe sa ruta patungo sa event venues.

Pinag usapan din ang pag-buo ng consortium ng lahat na city buses sa ilalim ng isang single fleet management system alinsunod sa atas ng DOTr.

Ang mga inisyal na plano ay ihahain ng mga operators sa unang linggo ng Disyembre bago maibigay sa Malacanang bilang component ng PUV Modernization Program.

Facebook Comments