Hindi nagpatinag ang LTFRB sa kaliwat kanang kilos protesta laban sa PUV Modernzation Program.
Sa isang pulong balitaan, nanindigan si LTFRB board member Ronnie Corpuz na pagsapit ng June 30,2020 ay wala na ang mga bulok, mauusok at kakarag-karag na mga pampasaherong sasakyan.
Aniya, 2017 pa ng bigyan ng sapat na panahon ang transport sector na makatupad sa mga hihihinging requirements at proseso.
Pero, bumabagal ang usad ng implementasyon ng programa dahil sa mga hindi naliliwanagang mga grupo.
Ani Corpuz, pagsapit ng July 1,2020, ang mga prangkisa ng mga hindi nakapag comply sa standards ay ipapawalang bisa at ibibigyan sa mga compliant group ang kanilang mga ruta.
Sumama rin sa briefing ang Pasang Masda, Taguig Transport Corp at iba pang grupo na nagsabing pumaloob na sila sa PUV modernization program at kuntento sa mga kondisyon na nakapaloob dito.
Nanatili pa rin naman aniyang bukas ang ahensya sa ibang transport group na makipag-usap para mailinaw ang mga isyu na kanilang pinangangambahan.