LTFRB, nilinaw ang inilabas na listahan ng mga benepisyaryo ng Fuel Subsidy Program

Naglabas ng paglilinaw ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaugnay sa inilabas na listahan ng mga benepisyaryo ng Fuel Subsidy Program.

Kasunod ito ng mga pahayag ng ilang grupo ng Public Utility Vehicle o PUV operators at drivers na hindi pa umano sila nabibigyan ng subsidiya ng LTFRB.

Ayon sa LTFRB, kapag ang pangalan ng benepisyaryo ay nasa listahan, ito’y nangangahulugan na nabigyan na ang benepisyaryo ng P6,500 na fuel subsidy.


Bukod dito, kasama rin sa listahan ang mga rider ng delivery services na sakop ng Department of Trade and Industry o DTI na nakatanggap ng P4,500 na fuel subsidy.

Kaya naman kung wala pa sa nasabing listahan, nangangahulugan na hindi pa nakatatanggap ang operator at driver ng fuel subsidy.

Para makita ng mga operator at driver kung nakatanggap na sila ng fuel subsidy, maaaring bisitahin ang official website at Facebook page ng LTFRB.

Facebook Comments