LTFRB, nilinaw ang saklaw ng diskwento ng student discount sa mga pampublikong transportasyon

Nagpaalala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa mga jeepney driver at operator kaugnay sa pagbibigay ng diskwento sa pamasahe ng mga estudyante.

Ayon sa LTFRB, karapatan ng mga estudyante ang 20 percent na diskwento mula Lunes hanggang Linggo, kahit pa ito ay holiday o naka-semestral break.

Dagdag pa ng ahensya, saklaw nito ang lahat ng antas mula pre-school hanggang kolehiyo basta mayroong dalang student ID na nagpapatunay na enrolled ito ngayong school year.


Hinikayat naman ng LTFRB ang mga estudyante sa kanilang tanggapan sakaling hindi sila bigyan ng diskwento ng mga driver at operator dahil may karampatang parusa ang lalabag sa Republic Act 11314 o ang Student Fare Discount Act.

Facebook Comments