Manila, Philippines – Nilinaw ng pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na kaya hindi pinagmumulta ang Uhop dahil sumunod ito sa panuntunan ng ahensya.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, tuloy-tuloy ang operasyon ng TNVS pero pinatawan naman ng tig limang pisong multa ng ahensya ang mga Transport Network Companies na Uber at Grab ay dahil sa mga paglabag sa ipinatutupad na Terms of Accrediation na inilatag ng LTFRB.
Iniisa-isa ng LTFRB ang paglabag ng Uber at Grab kabilang ang mga paglabag gaya ng hindi pag screen sa mga nag aapply na TNVS o Operators, paglipat ng Accreditation Certificate na mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng Terms of Accreditation at hindi paglalagay ng litrato at pagkakakilanlan ng mga ina-accredited na driver.
Inatasan din ang Uber na magsumite ng updated na listahan ng kanilang operators.
Giit ni Delgra hindi nila pinatawan ng multa ang U-hop, dahil sumusunod naman umano ito sa mga panuntunan ng LTFRB.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558