LTFRB, nilinaw na hindi aalisin ang lahat ng mga jeepney sa lansangan

Manila, Philippines – Nilinaw ni LTFRB Board member Atty. Aileen Lizada na hindi tuluyang aalisin ang jeepneys sa mga lansangan kasunod ng nalalapit na implementasyon ng PUV modernization.

Sa pagdinig ng House Committee on Transportation tungkol sa jeepney phase out, nilinaw ni Lizada na walang inilalabas na memorandum ang LTFRB tungkol sa jeepney phase-out.

Ang PUV modernization aniya ay para ayusin ang mode of transportation sa bansa partikular sa mga jeepneys.


Aniya, mananatili pa rin ang jeepney denomination sa lansangan dahil mga lumang PUVs lamang ang target na i-modernize.

Sinabi naman ni Transportation Chairman na nagkaroon ng miscommunication tungkol sa PUV modernization dahil nitong nakaraang transport strike, inakala ng mga jeepney operators at drivers na phase out na ang mga jeepneys bago matapos ang taon.

Nilinaw naman ni LTFRB Chairman Martin Delgra na ang pahayag ng Pangulo na sa Enero ng 2018 ay wala na dapat lumang jeepneys, aniya ito lamang ay sense of urgency sa pagpapatupad ng modernisasyon pero hindi ibig sabihin na agad-agad ay wawalisin na sa kalsada ang mga lumang PUVs.

Facebook Comments