LTFRB, nilinaw na hindi kontra ang CBCP sa pagtanggal ng rosaryo sa harapan ng mga sasakyan

Manila, Philippines – Nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na hindi tutol ang Catholic Bishop Conference of the Philippines sa pagpatutupad ng Anti- Distracted Driving Law na umaani ng ibat-ibat negatibong reaksyon lalo na ang usapin ng pagtatanggal ng rosaryo sa rear view mirror ng mga sasakyan.

Ang pahayag ay ginawa ni LTFRB Spokesperson at Board member Atty. Aileen Lizada, matapos nitong kunsultahin si CBCP Secretary General Monsenior Marvin Mejia hinggil sa naturang kontrobersyal na usapin.

Ayon kay Lizada nauunawaan umano ng CBCP ang pagpatutupad ng nasabing batas dahil naiintindihan ni Mejia na kaligtasan ng mga motorista ang tinitingnan ng ahensiya.
Dagdag pa ni Lizada na hindi rin umano isyu sa CBCP ang pagtatanggal ng rosaryo at iba pang mga palamuti na nakasabit sa harapan ng sasakyan na sagabal sa pagmamaneho ng driver.


Giit ni Lizada na bilang isang Katoliko ay tungkulin nito na hingin ang panig ng Simbahan Katolika sa naturang isyu upang malaman kung mayroon silang nilabag sa usapin ng pananampalataya.

DZXL558

Facebook Comments