Hindi lamang ang Grab Philippines ang pagpapaliwanagin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaugnay ng mga reklamo na biglang pagsipa pasahe ngayong Christmas season.
Ayon kay LTFRB Chairman Atty. Martin B. Delgra IIII, ipatatawag din ang Hype, Hirna, Owto, MiCab, Go Lag, ePickMeUp, SnappyCab, at Ryd.
Biglang tumaas ng labis ang pamasahe sa mga ride-hailing applications sa pagpasok ng buwan ng Disyembre.
Sinasamantala ng mga ito ang Christmas rush kung saan hirap makakuha ng masasakyan ang mga gustong makauwi ng maaga o makapag shopping o magpunta sa mga Christmas party.
Ang mga ride-hailing applications ay may standard rate na P40 bilang base fare. At P10-15 na dagdag per kilometer, at P2 per minute waiting time at surge cap na nakadepende sa bagal ng traffic.
Umaasa ang LTFRB na makakabuo sila ng solusyon as linggong ito.