Nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi na kailangan magpa-calibrate ng mga taxi sa kanilang metro.
Ito kasunod ng pagpapatupad simula sa Oktubre 3 na dagdag-singil sa flagdown rate ng mga taxi na P5.
Ayon kay LTFRB Executive Director Atty. Robert Pei, mula kasi sa kasalukuyang P40 na flagdown rate ay magiging P45 na ito.
Dagdag pa ni Atty. Pei, maglalagay naman ng notice ang LTFRB sa mga taxi na makikita at mababasa ng mga pasahero upang magdagdag ng pamasahe.
Ito’y lalo pa aniya na walang dagdag-pasahe naman sa susunod na kilometro na biyahe ng mga taxi.
Samantala, muling inihayag ni Atty. Pei na nagpapatuloy pa rin ang aplikasyon para sa pagkuha ng fare matrix ng mga pampublikong sasakyan.
Facebook Comments