LTFRB, nilinaw na wala pang kapalit ang nag-resign na board member na si Atty. Joshua Viray

Nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na wala pang naitatalaga na kapalit ni Board Member Atty. Joshua Viray.

Kasunod ito ng pagkumpirma ng LTFRB na nagbitiw na sa tungkulin si Atty. Viray.

Wala pang inilalabas na detalye ang ahensya sa dahilan ng pagre-resign ni Viray.

Maglalabas umano ang ahensya ng anunsyo sa publiko sa sandaling naisapinal na kung sino ang ipapalit sa nagbitiw na board member.

Facebook Comments