LTFRB, nilinaw na walang jeepney phaseout habang walang consolidated franchises

Tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi pupwersahing i-phase-out ang mga public utility vehicles (PUVs) na hindi maaabot ang March 31 deadline para sa paghahain ng applications para sa consolidation ng individual at existing franchises.

Matatandaang pinalawig ng LTFRB ang deadline sa paghahain ng applications for consolidation.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services na pinamumunuan ni Senator Grace Poe, sinabi ni LTFRB Chief Martin Delgra, ang mga PUV operators na hindi maaabot ang deadline na bahagi ng PUV Modernization Program ay bibigyan pa hanggang ngayong taon para mag-consolidate.


Kabuuang 2,589 PUV units ang nagpa-modernize mula nitong December 2020, 82.2% na mataas kumpara sa mga datos na naitala sa kaparehas na panahon noong nakaraang taon.

Nasa 81,092 units ang na-consolidate na mula nitong March 5, 2021.

Ikinalugod ni Senator Poe na marami ang nais i-modernize ang kanilang PUV units, pero iginiit niya na marami pa ang napapag-iiiwanan sa programa.

Mahalaga lamang na luwagan ang mga deadlines at requirements para sa libu-libong PUV operators.

Pinasusumite ni Sen. Poe ang LTFRB ng step-by-step procedure sa pag-a-apply para sa isang kooperatiba para matiyak na naaayon ito sa Anti-Red Tape Act.

Facebook Comments