LTFRB, nilinaw na walang kinalaman sa 23-MILLION na multa sa GRAB ang utos na refund ng PCC

Nilinaw ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) na walang kinalaman sa 23-million overcharging ng Grab Philippines ang multang ipinataw dito ng Philippine Competition Commission.

Ito ang ipinahayag ng LTFRB matapos itong makipag pulong sa mga opisyal ng Philippine Competition Commission.

Sa isang kalatas pambalitaan, sinabi ni LTFRB Board Member Engr. Ronaldo Corpus  na labas pa ito sa isyu ng hindi umano pagsunod ng Grab sa fare matrix ng ahensya.


Ano Corpuz, bahagi lamang ito ng boluntaryong aksyon ng Grab na pagsasauli nito ng limang milyong piso sa riding public alinsunod sa commitment nito sa PCC.

Ani Corpuz, nire-review pa rin ng board ang reklamong 15 billion na overcharging ng Grab.

Mino-monitor din ng ahensya ang grab kung may pag-labag pa rin ito sa fare structure na itinakda ng Board.

Patuloy rin ang koordinasyon ng LTFRB sa PCC para matiyak na mabibigyan ng maayos at ligtas na serbisyo ang riding public.

Facebook Comments