LTFRB , paiigtingin ang kampanya laban sa mga jeep na hindi gumagamit ng ilaw sa pamamasada

Manila, Philippines – Sunod sunod nakatanggap ng reklamo ang tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board kaugnay sa mga pumapasadang jeepney na hindi gumagamit ng headlights tuwing madalim na sa kalsada.

Dahil dito mas papaigtingin pa ng nasabing ahenya ang kanilang kampanya para mahuli ang mga lumabag sa regulasyon ng LTFRB at LTO.

Ayon kay LTFRB Board Member Aileen Lizada, sa regulasyon na inilatag dapat, bago pa man kumagat ang dilim sa kalsada tulad ng alas 6 ng gabi. Dapat bukas na ang ilaw ng lahat ng sasakayan, kabilang na ang mga jeepney ,taxi bus fx maging pribadong sasakyan.


Kamakailan dalawampot walong tsuper ang nasampulan , hinuli ng LTFRB sa Timog at Novaliches Q.C.
Dahil sa hindi pag gamit ng headlights at iba pang paglabag.

500 piso ang multa sa 1st offense, 750 sa ikalawa at 1000 piso para sa ikatlong paglabag na possible pang makansela ang lisensya.

Dagdag pa ng opsialyal hindi lang sa driver at pasahero delikado ang hindi pag gamit ng headlights at taillights, dahil damay din dito ang mga kasabayang sasakyan.

Para mapatupad nationwide, nakipag ugnayan na ang LTFRB sa mga LGUs para mahuli ng mga local trapik enforcer ang mga lalabag sa regulasyon.

Facebook Comments