Inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pasisimulan na nito sa susunod na linggo ang pamamahagi ng subsidiya sa mga drayber na benepisyaryo.
Kinumpirma ni LTFRB Executive Director Maria Kristina Cassion na naipalabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondo para sa fuel subsidy ng mga tsuper ng pampublikong sasakyan.
Ayon kay Cassion, magpupulong sila bukas kasama ang mga opisyal ng Land Bank of the Philippines (Landbank) upang maitakda ang eksaktong araw sa susunod na linggo ng gagawing distribusyon.
Inilabas na ang subsidy sa gitna na rin ng sunod-sunod na oil price hike na pinatitindi ng kaguluhan sa Ukraine.
Ayon sa LTFRB, tinatayang nasa 377,443 beneficiaries ang makatatanggap bawat isa ng ₱6,500 na halaga ng fuel subsidy.