LTFRB, pinakikilos ni Senator Poe kaugnay sa hirit na increase sa flag down rate ng regular na mga taxi

Manila, Philippines – Iginiit ni Committee on Public Services Chairperson Senator Grace Poe sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na bigyang pansin din ang hiling na increase sa flag down rate ng mga operators at drivers ng regular na taxi.

Ayon kay Senator Poe, nadadaig na ng mga Transport Network Vehicle Service o TNVS tulad ng Uber at Grab ang pangkaraniwang taxi sa pagkakaloob ng mas ligtas at mas komportableng byahe.

Sabi ni Poe, walong taon ng hindi naitataas ang 40-pesos na flag down rate ng mga taxi.


Ito ang nakikitang dahilan ng senadora kaya namimili ng pasahero, at namimili din ng lugar na hindi ma-traffic ang mga driver ng regualr na taxi dahil lugi sila sa mababang rate ng singil nila sa pasahe.

Ipinunto ni Senator Poe na kung hindi tutulungan ng LTFRB na ma-improve ang panig ng pangkaraniwang taxi ay hindi talaga sila makakasabay sa makabagong teknolohiya at mas mainam na serbisyong hatid ng TNVS.

Facebook Comments