LTFRB, pinapayagan ng hulihin ang angkas o habal-habal na gumagamit ng application tulad ng Grab

Manila, Philippines – Pupuntiryahin na rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang serbisyo ng angkas.

Ito ay bersyon ng habal-habal na motorsiklo kung saan gumagamit na rin ng application sa cellphone tulad ng Grab.

Kahapon anim na angkas rider ang nahuli sa BGC Taguig matapos na iligal na magsakay ng mga pasahero.


Ayon kay LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada, bawal na bawal ang serbisyo ng angkas motorcycle ride sharing dahil hindi ito naka-rehistro.

Ibigsabihin hindi tiyak ang kaligtasan ng mga pasahero, hindi sigurado kung may sapat na kakayahan ang mga driver at kung marunong bang sumunod sa mga batas trapiko.

Matatandaan na isang model ang nasa malubhang kalagayan ngayon matapos kumuha ng serbisyo ng angkas at ito ay nasangkot sa aksidente sa Nagtahan Bridge sa Maynila noong July 15 .

Si Alejandro Cajano ay nananatiling comatose ngayon sa hospital.

Facebook Comments