LTFRB, pinasususpinde ang biyahe ng RORO Public Utility Buses dahil sa banta ng Bagyong Paeng

Nag-abiso na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga Roll On- Roll Off (RORO) Public Utility Buses magsuspinde na ng biyahe.

Partikular na inabisuhan ng ahensya ang mga magmumula sa port of Batangas.

Kasunod na rin ito ng ipinalabas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na weather bulletin na nagtaaas ng signal Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Metro Manila, southern portion ng Aurora (Dingalan, San Luis, Maria Aurora, Baler), Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at ilang bahagi ng Quezon kabilang ang Pollilo Islands, Occidental Mindoro kasama ang Lubang Islands, Oriental Mindoro, Romblon, at Calamian Islands.


Inaasahan ng LTFRB na tutugunan ng mga bus operator ang pangangailangan ng mga pasaherong maii-stranded.

Pinayuhan naman ang publiko na ipagpaliban na ang biyahe kung masama na talaga ang lagay ng panahon.

Facebook Comments