Thursday, February 26, 2026

LTFRB, pinatatawag ang isang bus company matapos paghintayin ng tatlong oras ang mga pasahero

Pinatatawag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kompanyang A&B Liner, Inc. dahil sa isang viral social media post tungkol isa sa mga bus ng kompanya.

Matapos umano’y mahigit tatlong oras na paghihintay ng mga pasahero sa Vista Terminal Exchange (VTX) Alabang.

Base sa reklamo ng isang netizen, sumakay sila ng bus patungong Lucena pasado alas-diyes ng gabi ngunit paulit-ulit na naantala ang biyahe.

At makalipas ang mahigit tatlong oras na paghihintay, tumanggi pa umano ang konduktor na i-refund ang pamasahe.

Dahil dito, naglabas na ng show cause order ang LTFRB kung saan binigyan ng sampung araw ang kompanya para magpaliwanag kung bakit hindi dapat suspindihin o kanselahin ang prangkisa nito.

Samantala, pinahaharap din ito sa pagdinig sa March 19 sa tanggapan ng ahensya.

Facebook Comments