LTFRB, pinayagan ng makapagbiyahe ang karagdagan pang shuttle service vehicles at traditional PUJ

Inihayag ngayon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na may karagdagan pang 11 shuttle service vehicles sa Metro Manila at 54 na traditional Public Utility Jeepneys (PUJ) sa intra-routes sa bansa ang pinayagan na nilang makabiyahe.

Ayon sa LTFRB, ang pagbubukas ng mga ruta ng mga pampublikong sasakyan ay alinsunod sa utos ng Department of Transportation (DOT) upang makatulong sa pagbiyane ng publiko.

Nilinaw rin ng LTFRB na pawang mga road worthy public vehicles lang ang pinapayagang makabiyahe.


Samantala, umabot na sa 519 ang bilang ng mga rutang binuksan ng LTFRB simula June 2020 para sa mga traditional PUJ, habang 42,169 naman ang bilang ng mga otorisadong unit.

Facebook Comments