LTFRB, planong itaas ang subsidy sa PUV modernization program

Sinisilip na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na taasan ang subsidy para sa PUV modernization program sa papasok na bagong taon.

Ayon kay LTFRB Chairperson Martin Delgra III – layunin nito na makahikayat ng mga tsuper at operator ng pampublikong sasakyan na i-modernisa na ang kanilang units.

Kasalukuyan aniya nasa ₱80,000 ang subsidy ng gobyerno sa programa kaya pinag-aaralan pa ang panukala.


Facebook Comments