LTFRB, posibleng i-delay muna ang koleksyon ng P520 access fee sa taripa

Ikinokonsidera ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na i-delay muna ang paniningil sa P520 na bayad sa pagkuha ng adjusted fare matrix.

Sa gitna ito ng kakaunti pa ring bilang ng mga PUV operator na nakakuha na ng taripa.

Sa isang panayam, sinabi ni LTFRB officer-in-charge Riza Marie Paches na nauunawaan nila ang hirap ng mga tsuper at operator sa pagbabayad ng naturang compliance cost.


Para makakuha ng bagong taripa, kinakailangang magbayad ng mga driver at operator ng P520 access fee kada prangkisa at P50 kada unit.

Sa ngayon, 6% pa lamang ng 250,000 target PUVs ang nakakapaningil ng bagong minimum fare.

Facebook Comments