Inaprubahan na ng Land Transportation and Franchising Regulatory o LTFRB Region 1 ang aabot sa mahigit 50 special permits para sa mga pampasaherong bus.
Ito, umano ay upang mapunan ang inaasahang dagsa ng mga tao sa paparating na semana santa.
Ayon sa ilang bus companies, posibleng mag dagsaan na ang mga byahero pagsapit ng 15 ng Abril.
Samantala, nakaantabay at nakakasa na ang Oplan Ligtas Biyahe at Lakbay Alalay ng Land Transportation Office upang umalalay sa mga motorista.
Diumano, nakatakdang maglagay ng motorist assistance desks ang ahensya sa ilang kalsada.
Inaasahan naman na magsasagawa ng inspeksyon ang tanggapan sa mga bus na babyahe na madalas gawin tuwing dumarami ang tao sa mga terminal. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments