Patuloy ang mahigpit na pakikipag ugnayan ng pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region 1 sa mga drivers at operators kaugnay sa planong pag phase out sa mga lumang modelo ng pampasaherong jeep na pumapasada sa lansangan na may edad 15 taon pataas.
Saad ni LTFRB Region 1 Director Nasrudin Talipasan, napapanahon ng gawing modernize ang mga pumapasadang lumang jeep upang makapagbigay ng mas maayos na serbisyo sa riding public at commuters.
Giit pa nito na karamihan sa mga pampublikong sasakyan, tanging ang pampasaherong jeepneys na lamang umano ang mas maraming bilang sa hindi pa na isasailalim sa 15-year-old phase out ng mga sasakyan.
Nauna namang isinailalim sa modernization program ang mga taxi units, bus units at AUVs. Nakahanda naman na tumulong ang ahensiya upang mabigyan ng pondo ang mga operator ng jeep upang sila ay makabili ng pampalit sa maapektuhan ng phase out.
Aalamin pa umano ang ilang hakbang at plano sa kung ano ang epektibong paraan upang makatulong na rin sa pagsugpo ng trapiko. | ifmnews
Facebook Comments