Inihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board Region 1 na pinalawig ng kagawaran ang Special Permit sa mga sasakyang byabyahe ngayong Christmas Season.
Magsisimula ito sa ika -16 ng Disyembre 2022 hanggang ika-15 ng January 2023. Sa unang inilabas na kautusan nakatakda sanang magsimula ito sa darating na ika-23 ng Disyembre at magtatapos sa ika-3 ng Enero 2023.
Nilinaw ng LTFRB Region 1 na Ang mga nakapag-apply na bago nailabas ang resolusyon na ito ay maaari pa ring bumiyahe sa pinalawig na operasyon ng Special Permit para sa Christmas Season 2022.
Layunin nito na maayudahan ang mga mananakay na uuwi sa kani-kanilang mga probinsya ngayong holiday season. |ifmnews
Facebook Comments