LTFRB REGION 1, TINIYAK NA MAGBABALIK ANG OPERASYON NG PROVINCIAL BUSES SA LALONG MADALING PANAHON

Sinisiguro ngayon ng pamunuan ng Land Transportation and Regulatory Board o LTFRB Region 1 na mayroong masasakyan ang mga kababayan na gusto umuwi at magtutungo dito sa Rehiyon Uno sa unti-unting pagluwag ng quarantine restrictions.

Sa isang panayam, sinabi ni Atty. Nasrudin Talipasan, LTFRB Regional Director, na patuloy ang ginagawang pakikipag ugnayan ng ahensya sa iba’t ibang transport operators lalo na ang Provincial Buses na magdadala naman sa destinasyon ng mga commuter kung sila man ay pauwi o papunta sa kanilang lugar.

Dagdag ni Talipasan na iniikot umano nito ang apat na probinsiya sa Region 1 upang marinig nito umano ang hinaing ng mga operators at mga kailangan pa umanong isagawa sa paghahanda at pagbibigay ng serbisyo sa mga mananakay.


Maganda umanong balita na lahat ng mga Provincial Governments ay binuksan na nila ang borders ng mga ito kung ikukumpara noong mga nakaraang buwan dahil sa pandemya at pahirapang makapasok sa kanilang lugar.

Sa ngayon naman umano ay nasa normal at manageable pa ang dagsa ng tao sa mga bus terminals na bagama’t nakikita na ang ngunit nakikita umano ang unti-unting pagbiyahe ng ilang bus companies. | ifmnews

Facebook Comments