Inihayag ng Land Transportation and Franchising and Regulatory Board Region 1 na walang kooperatiba o korporasyon mula sa mga pampublikong jeep sa rehiyon ang humiling ng taas pasahe.
Ayon Kay LTFRB Region 1 Regional Director Cristal Sibayan, hanggat walang petisyon ay mananatili sa trees pesos ang minimum na pasahe sa traditional na jeepneys at kinse pesos sa modernized jeepneys.
Sa panayam naman ng IFM News Dagupan Kay ACTO Nationwide President Liberty De Luna, marami umano sa mga tsuper ang nahihirapan sa kanilang paghahanap buhay Kung kaya’t Sana ay pakinggan ang panawagan at petisyon na dagdag pasahe.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments