LTFRB REGION 1, WALANG PANG APRUBADONG TAAS-PASAHE SA PAMPUBLIKONG SASAKYAN HANGGANG SA NGAYON AYON SA AUTOPRO

Iginiit ngayon ng AUTOPRO Pangasinan na hanggang sa ngayon ay wala paring aprubado na taas-pasahe sa mga pampublikong sasakyan ang LTFRB sa kabila naman ng petisyon ng mga ito ukol sa usaping ito sa kabila ng mataas na presyo ng petrolyo at banta ng pandemya na kung saan limitado ang kapasidad ng mga sasakyan.

Sinabi ni Bernard Tuliao, Presidente ng AUTOPRO Pangasinan na kailangan nilang magkaisa at sabay-sabay na maghain ng isang ang petisyon para sa hiling na taas pasahe upang hindi sila mabalewala ng pamunuan ng LTFRB at ng DOTr.

Samantala, maaari naman umano nilang bawiin ang inihaing petisyon sakaling tanggalin ang excise tax sa produkto ng petrolyo kasabay ng pagbaba ng presyo ng petrolyo.


Nanawagan naman ito sa mga kapwa niya PUV drivers na iwasan ang paniningil ng sobra dahil buhat ng magsimula ang pandemya ay marami ang nagtaas ng singil ng pamasahe na pahirap sa mga commuters.
Kaugnay naman nito, hinikayat niya ang publiko at pasahero na maaaring magreklamo sa LTFRB Region 1 sakaling makaranas ng overpricing sa pamasahe.###

Facebook Comments