LTFRB Region 2, nagbigay ng Pamaskong Handog sa mga Tsuper

Cauayan City, Isabela- Bumulaga sa mga motorista ang anila’y panghuhuli ng mga kasapi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) region 2 subalit imbes na manghuli ay namigay ng pamaskong handog sa mga bumibiyaheng tsuper.

Pinangunahan mismo ni Regional Director Edward Cabase ang pakulo para mamigay ng kaunting regalo sa tsuper.

Sa isang pahayag, sinabi ni Cabase na kinakailangan din ng mga ito ng munting handog dahil isa rin sila sa lubhang naapektuhan ng pandemya at magkakasunod na kalamidad.


Labis naman ang tuwa ng mga tsuper sa kanilang natanggap gayundin ang kanilang pasasalamat sa nagawang pagmamalasakit sa kanila lalo pa’t limitado lang ang kanilang biyahe.

Samantala, hindi man nagawang manghuli ay nagpaalala pa rin ang ahensya para sa mahigpit na pagpapatupad ng health protocols.

Facebook Comments