LTFRB REGION 2, PINAALALAHANAN ANG MGA DRAYBER SA PAGSUNOD NG FARE MATRIX

Pinulong ni Regional Director Edward Cabase ng LTFRB Region 2 ang mga driver at operator na nakahimpil sa SM City Cauayan Terminal sa Isabela ngayong araw, Setyembre 8, 2022.

Ito ay upang muling paalalahanan ang mga driver/operator ang pagsunod sa itinakdang fare matrix at pagbibigay ng 20% discount sa mga estudyante, person with disabilities at senior citizen.

Sinabi ni Regional Director Cabase, kung lumang fare matrix pa rin ang gamit ng mga driver ay ito ang dapat sundin sa singil ng pamasahe sa kanilang mga pasahero.

Aniya, maaari lamang magpatupad ang mga driver ng pagtaas singil sa pamasahe kung sila ay nakapag secure na ng bagong fare matrix.

Ayon sa LTFRB Region 2, mas paiigtingin ng kanilang tanggapan ang isinasagawang monitoring at enforcement activities upang mahuli ang mga driver na hindi sumusunod sa itinakdang fare matrix.

Kaugnay nito, hihikayat naman ng LTFRB ang mga driver/operator na magsecure ng bagong taripa na maaaring makuha sa kanilang tanggapan.

Ang makukuhang fare matrix ay kailangan ipaskil sa loob ng pampasaherong sasakyan na makikita ng mga mananakay.

Facebook Comments