LTFRB REGION MAGLALABAS NG SPECIAL PERMITS PARA SA MGA PAMPASAHERONG SASAKYAN NA BUMIBIYAHE NGAYONG HOLIDAY SEASON

Nagsimula nang tumanggap ng aplikasyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region 1 ng petition para sa special permit ng mga transport operators na babyahe ngayong holiday season.
Magtatagal ang filing hanggang sa ika-29 ng Nobyembre. Ito ay bilang pag-agapay sa bugso ng mga babyahe sa holiday season.
Ayon sa LTFRB Region 1 kinakailangan ang, current LTO/CR, Valid Personal Accident Insurance Policy, Franchise Verification for Juridical Entity at Board Resolution and/or Secretary’s Certificate of Authorized Signatory para sa kanilang aplikasyon.

Maari namang magamit ang kanilang special permit mula ika-23 ng Disyembre para makapasada sa mga lalawigan para maghatid sundo sa inaasahang dagsa ng pasahero na uuwi sa kanilang mga probinsiya ngayong kapaskuhan.
Ang special permit ay tatagal hanggang Enero 3. Ito ay taunang ipinagkakaloob ng LTFRB sa anumang okasyon sa bansa upang ayudahan ang mga pasahero na pauwi sa mga probinsiya ngayong kapaskuhan. |ifmnews
Facebook Comments