Pinasimulan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagproseso sa mga aplikasyon para sa pagkuha ng special permit.
Ito’y bilang paghahanda sa pagdagsa ng uuwi sa mga probinsya kaugnay ng paggunita ng Undas sa buwan ng Nobyembre.
Ayon kay LTFRB technical division chief Joel Bolano, pinalawig nila ang validity ng special permits na aaprubahan ngayong taon.
Aniya, kung dati ay 3-4 days lang ang ibinibigay na bisa ng special permit, ngayon ay hinabaan na.
Magkakabisa ang special permit simula October 30 at magtatagal hanggang November 6
Paliwanag ni Bolano, layon ng extension ng validity ng special permits na masolusyunan ang kakulangan ng pampublikong transportasyon tuwing
holidays.
Paalala ng LTFRB, tanging 30% lamang ng kabuuang bilang ng awtorisadong yunit sa bawat operator ng isang ruta ang maaaring payagang makakuha ng special permit.