Sinimulan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ipamahagi ang fuel subsidy sa mga jeepney driver na naapektuhan ng sunod-sunod na oil price hike.
Ayon kay LTFRB NCR Regional Director Atty. Zona Russet Tamayo, makakatanggap ang 73,000 na mga benepisyaryo ng tig-P7,200 sa pamamagitan ng kanilang Pantawid Pasada Program (PPP) card.
Aniya, maaari lang magamit ang subsidiya sa mga sumusunod na gasolinahan: Petron, Shell, Seaoil, Total, Ketti Petroleum, RePhil, Caltex, Petro Gazz at Unioil.
Hindi naman aniya maaaring i-withdraw ang halaga para sa ibang bagay bukod sa pagpapagasolina.
Samantala, suportado naman ng LTFRB ang ideyang magkaroon din ng mga assistance program ang mga tsuper ng ibang pampublikong sasakyan.
Facebook Comments