LTFRB, sinita sa pagdinig ng Kamara dahil sa atrasadong fuel subsidy

Sinita ni House Committee on Transportation Chairman at Antipolo Rep. Romeo Acop ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB dahil sa umano’y atrasadong pamamahagi ng fuel subsidy para sa public utility drivers sa ilalim ng Pantawid Pasada Program.

Sa ilalim ng programa ay tatanggap ng ₱10,000 na fuel subsidy ang mga operator at drivers ng public utility vehicle habang ₱6,500 naman para sa nagpapatakbo ng traditional PUVs, ₱1,200 naman ang inilaan sa mga deliery riders at ₱1,000 sa mga trycicle drivers.

Pero nabatid ni Acop na aabot lamang sa 41.5% ang nadi-disburse mula sa 2023 budget habang ngayon 2024 ay may panibago ring alokasyon na nagkakahalaga ng P2.4 billion.


Paliwanag naman ni Department of Transportation Asec. Jesus Gonzales ng Department of Transportation, may kondisyon na nakasaad sa 2023 General Appropriations Act na ilalabas ang fuel subsidy kapag ang presyo ng “Dubai crude oil” ay sumampa ng 80 US dollars kada bariles para sa “average” na 3-buwan na nangyari noong Hunyo, Hulyo at Agosto ng nakalipas na taon.

Binanggit pa ni Gonzales na naitransfer ang 3-bilyong pisong pondo sa LTFRB matapos ilabas ng Department of Budget and Management o DBM ang Special Allotment Release Order hinggil dito noong September 2023.

Sabi naman ni James Evangelista ng DBM, base sa rekord ay “fully released” na ang 2023 budget para sa fuel subsidy gayundin ang 2.5 billion pesos para sa 2024.

Ayon naman kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III na nasa ilalim ng kanilang ahensya ang PUV drivers and operators habang nasa ilalim naman ng supervision ng dept of interior and local govt ang mga trycicle drivers at ang mga delivery riders naman ay sa ilalim ng dept of trade and industry at dept of information and communications techonology.

Facebook Comments