LTFRB, sinuspinde ang operasyon ng isang ride-hailing vehicle kaugnay sa viral post tungkol sa pambabastos ng kanilang driver sa kaniyang pasahero

Sinuspinde ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng tatlumpung (30) araw ang operasyon ng isang ride-hailing vehicle kaugnay ng viral na insidente.

Batay ito sa inilabas na SCO ng ahensya dahil sa umano’y sexual harassment ng kanilang driver sa isang babaeng pasahero.

Ayon kay LTFRB Chairman Atty. Vigor Mendoza II na hindi katanggap-tanggap ang nangyaring insidente at kaniyang personal na babantayan ang imbestigasyon batay sa derektiba na protektahan ang riding public.

Batay sa kumalat na post, paulit-ulit umanong nagtanong ng hindi angkop ang driver at ilang beses binagalan ang takbo ng sasakyan, na naging sanhi ng trauma sa pasahero.

Kaugnay nito, inatasan ang driver na sumailalim sa drug test habang ipinag-utos naman sa operator na isuko ang plaka at magpaliwanag sa loob ng limang araw kung bakit hindi dapat bawiin ang prangkisa nito.

Facebook Comments