LTFRB, tinanggal na ang financial statements at ITR bilang requirements para sa application at renewal ng prangkisa ng mga PUV

Inalis na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang audited financial statements at income tax return bilang isa sa mga requirements sa pag-aapply at renewal ng prangkisa ng mga Public Utility Vehicle (PUV).

Ayon kay LTFRB Chairman Atty. Vigor Mendoza II, na ang desisyong ito ay makatutulong sa mga maliliit na operators pagdating sa public transportation sector na nahihirapan sa pagkuha ng mga dokumento para sa pag-iisyu ng Certificate of Public Conveyance.

Giit din ni Mendoza na sa kanilang pagre-review ukol dito na hindi naman ito kinakailangan para sa operasyon ng mga pampublikong sasakyan.

Nitong Agosto lamang ay nag-isyu ang ahensya ng revised guidelines para sa pag-file ng Annual Audited Financial Statement ay Income Tax Return na mga operator kabilang ang mga nasa Industry Consolidation sa ilalim ng Public Transportation Modernization Program (PTMP).

Facebook Comments