LTFRB, tiniyak na aaksyunan ang mga aplikasyon ng operasyon ng mga hatchback units bilang TNVS

Manila, Philippines – Tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ipatutupad nito ang inamyendahang Memorandum Circular na pagpapahintulot sa mga hatchbacks at sub-compacts units nito na makapag-operate bilang Transport Network Vehicle Services o TNVS.

Sa isang kalatas pambalitaan, sinabi ng LTFRB na bago paman naipalabas ang MC No. 2019-042, may direktiba na ang LTFRB board sa technical division nito para tanggapin ang mga TNVS applications kasama na ang mga  hatchback units na pasado na sa  on-line registration process.

Nangako ang LTFRB na nanatili ang mandato ng ahensiya na ipatupad ang mga regulasyon nito para isang transparent at accountable na serbisyo sa publiko.


Batay sa datus ng LTFRB, aabot sa 55,000 ang TNVS units na nasa master list sa ilalim ng Transport Network Companies o TNC.

Mula sa naturang bilang, 24,805 ang naghain ng aplikasyon at 2,235 sa mga ito ay hatchback units.

Facebook Comments