Ipatatawag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang mga kinatawan ng Transport Network Companies para pagpaliwanagin sa sa mga reklamo ng mga pasahero na sobrang mataas ang sinisingil na pasahe ng kanilang mga driver partners.
Ayon kay LTFRB Chairman Atty. Martin B. Delgra IIII, dumulog sa kanila ang ilang mga commuters para isumbong ang ilang ride-hailing applications na naniningil ng labis sa pamasahe sa pagpasok ng buwan ng Disyembre.
Sinasamantala ng mga ito ang Christmas rush kung saan hirap makakuha ng masasakyan ang mga gustong makauwi ng maaga o makapag shopping o magpunta sa mga Christmas party.
Ang mga ride-hailing applications ay may standard rate na P40 bilang base fare. At P10-15 na dagdag per kilometer, at P2 per minute waiting time at surge cap na nakadepende sa bagal ng traffic.
Umaasa ang LTFRB na makakabuo sila ng solusyon as linggong ito.