Manila, Philippines – Tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na walang pagkukulang ng TNVS drivers.
Ito ay kasunod ng pagtanggal ng Grab Philippines sa walong libong bilang ng unit ng kanilang driver partners dahil sa kawalan ng prangkisa mula sa LTFRB.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, marami pa namang mga TNC players na maaaring pumuno sa demand sa TNVS services.
Aniya, ang posibleng maramdaman lamang ay pagkakaroon ng kakaunting bilang ng mga TNVS na nasa online.
Mungkahi ni Delgra, dapat munang pumasada ang mga existing Grab drivers nang full time.
Gayundin, umaasa si Delgra na ang mga may hawak ng TVNS certificate na hindi active ay kinakailangang gamitin ang ibinigay sa kanilang prangkisa.
Batay sa LTFRB data, aabot sa 45,500 ang mga legal TVNS drivers.
Ang Grab ay mayroong 35,000 na active drivers.
8,000 sa mga ito ay itinuturing na “colorum” at tinanggal sa serbisyo bilang TNVS.