LTFRB, tiniyak na pabibilisin ang pagbabayad sa mga operator ng EDSA Bus Carousel

Nangako ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na kanilang pabibilisin ang pagbabayad sa dalawang consortia na nag-o-operate sa EDSA Bus Carousel.

Batay sa datos ng LTFRB, abot lamang sa 200 bus ang nade-deploy sa bus way kapag rush hour.

Gayong nasa 440 na bus ang dapat na tumatakbo rito.


Sinabi ni LTFRB Chairperson Cheloy Garafil na nangako ang mga operator na kanilang ipapatupad ang maximum deployment ng mga bus lalo na kapag rush hours.

Dagdag ni Garafil, simula nang maupo siya sa puwesto ay hindi pa nababayaran ng ahensya ang week 6 ng pagseserbisyo ng EDSA Carousel gayong tumatakbo na noon sa week-13.

Target ng LTFRB na sa katapusan ng buwan ay maging updated na ang pagbabayad ng mga operator.

Nakapaglabas na ng ₱310-M ang ahensya para bayaran ang ika-anim na linggong hanggang ika-sampung linggo ng EDSA Carousel.

Facebook Comments