Ipinahayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na malayang makapamili ang mga magpaparehistro ng pampublikong sasakyan ng nais nitong tangkiliking insurance provider.
Ginawa ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III ang paglilinaw sa harap na rin ng mga napaulat na umano’y plano ng LTFRB na magdagdag ng insurance provider na pagpipilian ng mga aplikante ng pampublikong sasakyan
Ayon kay Guadiz, nakasaaad sa Section 3 Department Order ng Department of Transportation (DOTr) na ipauubaya sa mga aplikante ang pagkuha ng insurance policies mula sa anumang kwalipikadong insurer.
Nilinaw rin dito na lahat ng insurance premium ay istriktong babayaran sa mga opisina o authorized collection sites ng qualified insurers.
Dagdag ni Guadiz, tanging ang insurance commission lamang at hindi ang LTFRB ang may hurisdiksyon na mag-accredit ng mga bagong kompanya ng insurance na maaaring pagpilian ng mga aplikante.