LTFRB: Transport groups sa Central Visayas, nangakong hindi lalahok sa malawakang tigil-pasada na magsisimula bukas

Wala umanong balak ang ilang transport groups sa Central Visayas na lumahok sa nationwide transport strike na magsisimula sa Lunes.

Ayon kay Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) Chairman Teofilo Guadiz III, isinumite raw ni Regional Director Ed Montealto ng LTFRB-7 sa kanyang opisina ang kopya ng mga manifesto mula sa iba’t ibang transport groups na nagpapakitang hindi sila sasali sa transport strike.

Kasama na rito ang transport cooperatives na nasa ilalim ng Kaluha Twin Trading & Services Corp., Lapu-Lapu City United Transport Group (LUTG) at Federation of Cebu Transport Cooperative (FCTC).


Naniniwala raw kasi ang grupo na ang pagsali sa transport strike o anomang uri ng aktibidad na hahadlang sa mobility ng kanilang serbisyo at wala sa best interest ng kanilang organisasyon, komunidad at ang kabuuang transportation system.

Dagdag ng pederasyon na ang transport strikes ay kalimitang nanggugulo lamang sa transport services na dahilan ng economic losses at potential safety risks para sa mga commuter.

Facebook Comments