LTFRB, umaasa na ihihinto na ng PISTON ang kanilang tigil-pasada ngayong araw

Umaasa ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ihihinto na ngayong araw ng grupong PISTON ang kanilang tigil-pasada.

Ayon kay LTFRB Spokesperson Celine Pialago, patuloy silang nakikipag-ugnayan kay PISTON National President Mody Floranda upang pag-usapan ang kanilang mga karaingan at makarating sa isang pagkakasundo.

Binigyang-diin ni Pialago na ang grupong PISTON na lang ang hinihintay ng ahensya na makapag-consolidate ng franchise at sumailalim sa korporasyon.


Kumpiyansa ang LTFRB na makakayang makamit ang 80% ng franchise consolidation kung makikiisa at magko-consolidate na rin ang PISTON.

Facebook Comments