LTFRB VS. PISTON | San Mateo, kinasuhan

Manila, Philippines – Kinasuhan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pinuno ng transport group na PISTON na si George San Mateo.
Kasong paglabag sa Public Service Act ang isinampa ng LTFRB sa Quezon City Metropolitan Trial Court laban kay San Mateo dahil sa ikinasang tigil-pasada nitong Pebrero.
Ayon sa LTFRB ang ginawang transport strike ay hindi aprubado at walang pahintulot mula sa kinauukulan.
Nabatid na maglulunsad ang PISTON ng tigil-pasada bukas at sa Martes bilang pagtutol sa jeepney modernization program ng administrasyong Duterte.

Facebook Comments