LTFRB website, bagsak pa rin; Pag-download ng QR codes, aabutin pa ng Lunes

Maaaring sa Lunes pa makapag-download ng QR code ang mga jeepney operator na pinapayagan nang makabalik sa kalsada.

Sa abiso ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), nananatiling bagsak ang website at nagpapatuloy ang technical works kaugnay ng site migration nito patungong Department of Information and Communications Technology (DICT).

Ang QR code ay isang uri ng bar code na kinakailangang ma-download mula sa LTFRB website at dapat nakapaskil sa windshield ng mga jeepney na magbabalik-kalsada.


Gagamitin ang QR code para ma-monitor ang 6,002 jeepneys na inaprubahang makabiyahe sa may 49 routes sa Metro Manila.

Dahil dito, wala munang hulihan at pinapayagang makabiyahe ang mga ito hanggang Linggo kahit wala pang QR codes.

Facebook Comments