Pinaplantsa na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang memorandum order para sa pag roll out ng bagong guidelines sa operasyon ng Premium Taxis .
Kasunod ito ng pagpirma ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa Department Order No. 2009-007 o ang “Taxi Modernization Program”.
Nakapaloob sa Department Order ang pagkakaloob ng regular na pasahod at benepisyo sa mga drivers alinsunod sa itinatadhana ng Labor Code.
Isasama rin dito ang pagbibigay ng kaukulang training na idedetermina ng LTFRB.
Itinatakda din ng Taxi Modernization Program na gawing Euro-4 compliant at air-conditioned ang mga Premium Taxi units.
Alinsunod pa rin ito sa Public Utility Vehicle Modernization Program na naglalayong gawing kumportable, maasahan at ligtas sa riding public ang mga premium taxi.